Sa ika-2 ng Disyembre 2011, isang pagdiriwang ang naganap saBayan ng El Nido; ang PistangKulambo at Tarabuan para sa Caayadan kaakibat ang temang: “Pagtataguyod ng mga Programang Pangkalikasan, Pangkalusugan at Pangkabuhayan, angkop saNagbabagongKlima”.Ang okasyong ito ay naging bahagi nang lungsod bilang isang malawak na stratehiya at paraan upang sugpuin ang paglaganap ng sakit na Malaria.Idineklara na ang patuloy na paggamit ng kulambo (insecticide- impregnated mosquito bednets) ay ipektibo at abot-kayang paraan laban sa naturang sakit.Subalit ayon sa resultang naganap na survey, sa first quarter noong 1999 naipakita na 34% lang ng mga mamamayan ang gumamit ng kulambo bilang pangdepensa sa sakit na malaria. Kaya kinakailangan ng lokal isako at masuring kampanya na maghahangad para sa pagpromote na ugaliin ng mga tao ang paggamit ng kulambo.

Ang Pistang Kulambo ay nagsimula pa noong Nobyembre 1999.Ito ay naging lokal na tradisyon na inaabangan sa bawat taon nang mga tao sa El Nido. Ang pista bilang bahagi ng pagsugpo ng malaria ay nakaktulong sa pagbaba ng mahigit 60%  sa bilang ng kaso ukol sa malaria halimbawa nito ay ang pagbaba ng kaso mula  1,219 sa taong 2000 hanggang sa naging 22 kaso sa taong 2010.

Ang pagdiriwang ay ginanap sa Covered Court ng Munisipyo, mayroong 18 barangay na nakilahok sa mga eksibisyon at kompetisyon.Isa sa highlight ng Pista ay ang makulay na parada kung saan ang mga nakilahok ay nagsusuot ng mga makulay na kasuotan na gawa sa kulambo at lokal na materyales. Mayroon ding Tarabuan para sa Caayadan, kung saan iba’t-ibang produkto ang itinampok sa bawat booth.

Ang taun-taon napagdiriwang na ito na siyang bumubuong Community-Based Malaria Control Program na ipinatupad ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Rural Health Unit, El Nido Foundation Inc., at iba pang ahensya na kaagapay ng El Nido.

Ang programa ay nahati sa dalawang bahagi; ang unang bahagi ay sinimulan alas-otso ng umaga (8:00 A.M) hosted by: Mr. Roman de Jesus at MaricelBriones. Sa bahaging ito ginanap ang iba’t-ibang paligsahan.

Una ay ang “Bring Me Contest” kung saan lahat ng manonood ay pinapadala ng mgabagay na makikita sa kani-kanilang booth, kasabay din nito ang pag-iikot ng mga hurado sa pagpili ng “ Natatanging Booth” base sa pagkamalikhain at orihinal na gawa, paggamit ng local na materyales, mga produkto paninda at maging ugali ng nagbibinta. Kung saan mula salabing-walong (18) barangay labing-lima (15) lang ang nakilahok. Sumunod ang “Jingle- Singing Contest” na naglalaman ng mensahe ukol sa selebrasyon na nilahokan ng mga mag-aaral ng elementarya, sekondarya at kolehiyo. May “Eating Contest” din na ginaganap,mayroong para sa mga nanay, tatay at mga bata, “Poster Making Contest” at “Trivia”.

Sa ikalawang bahagi naman ng programa (1:30) hosted by: Mr. Arvin Acosta at Pattie Jean Lumbania ginanap ang parade at “street dancing” na kung saanlabing-pitong barangay ang nakilahok para magpakita ng gilas sa pagiging malikhain mula sa kasuotan at maging sa hatawan. Pagkatapos ng parada, pormal na sinimulan ang programa ni Dr. Cesar Rivera, El Nido Municipal Health Officer, kanyang ipinahayag na lumiit na ang bilang ng mga nagkakasakit ng Malaria sabayan. “Sa taon 2007 mahigit 400 kataoang may kasong malaria at sa kasalukuyan siyam hanggang labing-isa nalang ang kompirmadong may sakit.” Sa mensahe ni Edna Gacot-Lim, Municipal Mayor of El Nido, ipinahiwatig ng Mayor na ang bayan ng El Nido ay umuunlad sa larangan ng makabagong teknolohiya. Dagdag pa nito, inaanyayahan niya ang lahat na patuloy na pagbutihin, tulung-tulong at sama-samang paunlarin ang bayan ng El Nido.

Ayon naman kay Dr. Peter G. Cumareng, Provincial Malariologist, Province of Palawan; “dapat bawat lungsod/barangay may aktibong grupo ng tao na mangangasiwa sa kaligtasan at kalusagan ng mga mamamayan. Ipagpatuloy ang pagtataguyod ng mga programang pangkalusugan ng bayan hinggil sa KALUSUGAN NG ISLA at KALUSUGAN NG MIMAROPA”.Bago matapos ang programa,binigyan ng parangal ang mga nanalo sa paligsahan gaya ng:Jingle- Singing Contest: (1st) Bucana, (2nd) Teneguiban, (3rd) Manlag;On the Spot Poster Making Contest (HS Level): (1st) El Nido Nat’l High School, (2nd) Bucana, (3rd) Teneguiban; Elementary Level: (1st) Manlag, (2nd) El Nido Central School, (3rd) Aberawan; Natatanging Booth Contest:(1st) Pasadeṅa, (2nd) Bagong Bayan, (3rd) New Ibajay;Most Creative Group during the parade(Buena Suerte). Maliban ditto, may mga nakatanggap din ng espesyal na parangal ang tulad ng Gawad Pangkaunlaran(1st) Barangay San Fernando, (2nd) Barutoan, (3rd) Sibaltan; Best Community-Managed Marine Area (CMMA): Masikhay Award- Barangay Masagana at Sambisig Award- Barangay Sibaltan; Best Performing Barangay Health Worker (BHW) Group- Barangay Villa Libertad  Microscopist ; Conservationist- Lia Cheek; ETDF Collector- Romeo Capones

Ang Pista ng Kulambo at Tarabuan ay tunay na magandang halimbawa ng isang matagumpay na community based efforts dahil narin sa local na pamahalaan, suportang mga publikong organisasyon, lokal na mamamayan at iba’t-ibang pangkat ng El Nido tungo sa iisang hangarin at adhikain.

Mabuhay ang Pista ng Kulambo at Tarabuan para sa Caayadan ng El Nido…….

[Maria Fe Sajor, OJT, VSU]