Bulaklak ng dila at hiyas ng diwa

Ang dakilang wika nitong ating bansa.

Wikang Pilipino sa puso ng madla

Ang salitang anghel ng bayang malaya.

Katulad ng ibang salitang banyaga,

Buhay at maunlad ang pambansang wika,

Taglay ang indayog at lambing ng tula

At magandang himig ng isang musika.

Ang wikang pambansa ay pakamahalin

Sa lahat ng oras, ating tangkilikin

Sapagkat sa wika ay masasalamin

Ang kadakilaan ng lahing magiting.

[Roman O. De Jesus, LGU]