ni Eunice Adrea B. Pena, El Nido Central Elementary School

May isang bata, ang pangalan ay Peter. Mayroon siyang kaibingang Isda, si Moonfish. At isang araw, may nakita siyang dalawang mangingisda na may gamit na dinamita sa paghuli ng isda.

Isang araw, nakita na lang ni Peter si Moonfish na lumulutang. Nabiktima siya ng dinamita. Naiyak si Peter dahil nawalan siya ng kaibingang isda. Kaya isinumbong niya ang mangingisda sa Barangay Tanod.

Nahuli na ng mga Barangay Tanod ang mga gumamit ng dinamita. At naging masaya na si Peter dahil nahuli na ang bumiktima kay Moonfish.