ni Eunice Andrea B. Pena, El Nido Central Elementary School

May isang bata na ang pangalan ay Ella. Pumupunta siya sa gubat kapag nalulungkot siya dahil nawawala ang kanyang problema. Takbo nang takbo ang bata hanggang may nabangga siyang puno, si Narra. Naging magkaibigan si Narra at si Ella.

Isang araw, nagulat na lang si Ella dahil putol na ang kaibigang puno at ang iba pa. Kinabukasan, umulan ng malakas. Gumuho ang lupa at bumaha.

Nagsisi ang mga tao na pinutol nila ang puno. Naisip ni Ella na dapat magtanim sila ng puno. Nagtulong-tulong silang magtanim ng puno. At naging masaya na ulit si Ella. 

About these ads